Mga mamamayan ng U.S. o residenteng mga dayuhan na:
- May balidong Numero ng Social Security
- Hindi maituturing na umaasa sa isang nagbabayad ng buwis, at
- May naiangkop na gross na kita sa ilalim ng:
- $75,000 para sa mga indibidwal
- $112,500 para sa mga indibidwal na naghahain ng mga buwis bilang pinuno ng sambahayan
- $150,000 para sa mga mag-asawa na nagsusumite ng mga joint tax return.
Makakatanggap ang mga nagbabayad ng buwis ng isang pinababang bayad kung ang kanilang naiangkop na gross na kita ay nasa pagitan ng:
- $75,000 at $99,000 kung ang kanilang katayuan sa paghahain ay solo o mag-asawa na naghahain nang hiwalay
- $112,500 at $136,500 para sa mga indibidwal na naghahain bilang pinuno ng sambahayan
- $150,000 at $198,000 para sa mga mag-asawang naghahain nang magkasama
Ang halaga ng nabawasang bayad ay batay sa partikular na naiangkop na kita ng nagbabayad ng buwis.
Ang mga hindi kumikita nang sapat na pera upang maghain ng tax return ay karapat-dapat din. Kasama dito ang mga taong tumatanggap ng pagreretiro ng Social Security, may kapansanan (SSDI), mga benepisyo ng nabalo o naulila, Suplementong Panseguridad na Kita (Supplemental Security Income, SSI), mga benepisyo ng mga beterano, o mga benepisyo sa Railroad Retirement.
For married couples in which one spouse does not have a valid Social Security Number, the spouse with a valid Social Security Number is eligible for a stimulus check based on the bill the US government passed on December 27, 2020.
Ano ang naiangkop na gross na kita?
Ang naiangkop na gross na kita ay isang numero na makikita sa iyong tax return (Linya 8b ng 1040 form ng buwis). Ito ang pera na natanggap mo (sahod, suporta sa bata, interes, atbp.) na kakaltasan ng ilang mga partikular na halaga, tulad ng interes sa pautang ng mag-aaral o alimony.